6.23.2009

insomnia...

Maaga ako natulog kanina para maaga rin magising at makapgplantsa ng uniform..... hanggang sa... isa-isa na pala akong pinapapak ng lamok at ang init na... kala ko dahil sa global warming lang kaya siguro mainit... ilang beses kong pinindot ang electric fan... walang hangin.... isa pang pindot, wala pa rin..no. 1, no. 2, no. 3..... ang init!

Yun pala, walang kuryente..... bwisit! Lumabas ako ng bahay, sa lugar lang pala namin walang kuryente.... naglakad-lakad ako hanggang sa makita ko ang trak ng Meralco... inaayos pala nila ang mga poste... Diyos ko naman bakit gabi pa?

Tinanong ko ang isang mama kung kailan pa babalik ang kuryente, sabi niya alas singko o alas sais pa.... pano na uniform q?! lagot na....

0 comments: