Parang naiwan na sa baul ang blog ko...October pa pala last post ko...Dami na ng nangyari sa Pilipinas.. Namatay na si Francis Magalona, nakalaya na si Jalosjos, recession, dami ng nawalan ng trabaho...hay....
Syempre pag March graduation season na... Ganitong mga panahon ay magkandaugaga ako para ma-complete ang mga requirements sa college at mabayaran ang sandamakmak na bayarin sa university... pero sulit naman kasi sa wakas ay matatapos na ang buhay estudyante... tapos na nga ba tlaga? parang hindi pa... kasi naman sa school pa rin ang bagsak ko, hindi bilang student kundi teacher.... Ngayon alam ko na ang pakiramdam ng teacher na naiinis sa estudyanteng maingay, malikot at mga papansin at syempre ang pakiramdam ng pagiging masaya matapos ang isang araw ng lecture, saway sa estudyante, sermunan at tawanan sa klase...
Na-realize ko na talagang mahirap ang pagiging teacher, minsan may mga lessons na kailangang ulit-ulitin kahit na nga mukha ka ng sirang plaka sa harapan nila, mga estudyanteng araw-araw mo na lang bukambibig sa kanilang walang-tigil na pagpapapansin, at araw-araw na pasanpasan mo na kailangang matuto ang mga estudyante at malamanan ang kanilang mga isip...
Sa susunod na lang...
3.23.2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


0 comments:
Post a Comment