What can I say about Grade 2? Sila yung pinakamadaming estudyante, most competitive, melting pot, at syempre makulit pero madaming matatalino.
May mga estudyanteng maaarte, palatanong, masipag mag-aral, madaling ma-frustrate (iiyak pag mababa ang score), may sariling mundo at iba iba pa....
Nung lesson namin about Jose Rizal, kinuwento ko yung about sa childhood niya, yung tungkol sa tsinelas na itinapon niya sa ilog. Tapos, biglang nagtanong ang isang estudyante...
Estudyante: Teacher, ano po ang nickname ni Jose Rizal?
Ako: Pepe
E: Teacher, ang bastos mo!
A: Bakit?! Pepe naman talaga nickname niya, kahit tingnan mo pa sa libro, Pepe...
About pa rin kay Jose Rizal...
A: Saan ipinanganak si Jose Rizal?
E: Sa Luneta Park!!! (sabayan pa sila nyan)
A: Ano ba kayo, doon siya namatay!
A: Saan naman namatay si Jose Rizal?
E: Sa Calamba Park!!!! (in chorus pa)
Toinkz!!!!
Meron pa...
E: Teacher, sino po Lolo ni Jose Rizal?
A: Lolo? Ah... eh...
A: Pati ba naman lolo ni Rizal?
A: Cge, bukas ko ikukwento buong buhay ni Rizal, gusto niyo manood pa tayo ng pelikula niya?
E: Opo!!!!
Kayo, kilala niyo ba lolo ni Rizal? Hahahaha....
8.17.2008
8.05.2008
back to the blogosphere....
Tagal na ng panahon na di ako nakapag-blog. Last May pa pala last post ko....huli ko pang post eh nasa unemployed mode pa ako pero syempre hindi na ngayon, kahit naman papano ay may nakuha na akong trabaho.
I am currently teaching in a small school here in Makati and I handle all elementary levels, from Grade 1 to Grade 6 kaya naman kilala ko halos lahat ng estudyante sa school. Ngayon ko naintindihan ang aking mga teacher noong nag-aaral pa ako. Alam ko na yong hirap at syempre sarap ng pagtuturo. Araw-araw kang magagalit, maiinis at matutuwa. May mga estudyante kang halos araw-araw mong napapagalitan, nasisigawan pero meron rin namang mga estudyanteng gaganahan kang magturo dahil ang dadali matuto.
Noong first day ko sa Grade One, hindi ko alam kung papano ko sila kakausapin. Makukulit talaga yung mga bata, tatakbo kung saan-saan, iswi-switch-off yung ilaw at electric fan. Hay... Meron pa ngang umiiyak dahil ang palusot ay natatakot sa akin kasi daw hindi ako nagsmi-smile sa kanya (kung alam nya lang kung bakit...dahil nahihirapan ako sa kanila) pero nang tumagal palusot nya lamang pala yon kasi hindi nakakaget-over sa kanyang preschool life.....
Pero ngayon, masaya na ako sa pagtuturo sa kanila, pagkatapos ng lesson, playing time na kaagad....hindi ko pa nga nabibigay ang kanilang prizes (saka na pag sweldo...hehehehe)....
next post naman grade two....

Subscribe to:
Posts (Atom)