3.17.2008

goodbye...


---the dorm that I will miss----

June 3, 2006, ang unang araw ko sa dorm. Walang kakilala at hindi alam kung paano makikihalubilo sa mga tao.

March 17, 2008, ang huling araw ko sa dorm. Puno ng tawanan matapos ang isang masayang laro ng baraha, mag-aayos na ng mga natitirang gamit at uuwi na.

Napakabilis ng araw. Dalawang taon na rin pala ako sa dorm, isang naiibang dorm. Marami na rin akong nakilala na minsan ay dinadaandaanan ko lang sa corridors ng school. The dorm is the melting pot of personalities, merong seryoso, clown, kalog, magaling sa computer, mayabang, pa-demure, hayagan, palakanta, papansin, takaw-away, tahimik, speaker at kung anu-ano pa and that makes the dorm unique.

Ilan sa mga hindi ko makakalimutan sa dorm ay ang mga sumusunod:

1. 6:15 am mass
Kahit na pupunga-punga ka pa, kailangan mong magmadali para hindi ma-late sa simbahan. Minsan parang gusto mo nang matulog sa loob ng simbahan pero hindi pwede. Upo, tayo, upo, tayo, hanggang mamamalayan mo na lang tapos na pala. Sino ba namang hindi makakalimut kay Fr. Caretero na magsasabing, "I don't hear you!", dahil hindi niya marinig ang response ng mga sumisimba pagkatapos ng misa. At ang choir ng Xavier at Madrigal. Kahit na nga minsan pumipiyok, talaga namang magigising ka sa kanilang mga boses.

2. Baraha
Ang walang kamatayang pusoy at tong-its. Kapag may nakaisip na maglaro, sasali na ang lahat. MInsan may punishment ang talo, iinom ng iced tea, lalagyan ng baby powder sa mukha, at minsan lipstick.

3. Brotherhood lunch
Pagkatapos daw magrecollection, kainan pag lunch ang bawat brotherhood. P50 ang bayad ng bawat isa at kanya-kanya na kung saan kakain ang brotherhood. Sharing ng bawat isa at kung hindi ka nakapagbasa ng dapat basahin sa Bible at natulog ka lang naman buong gabi, bahala ka na kung anong ise-share mo.

4. Bagyo sa dorm
Kahit na binabayo ng bagyo ang school, tuloy ang kwentuhan, kantahan, at kung anu-anong aktibidades na magustuhan. At kinaumagahan, general cleaning ng school. Hakot ng mga kahoy at tampisaw sa baha.

Hay, ilan lang yan pero marami pa. Iyan lang kasi maisip q sa ngayon.hehehe

To all dormers and to our prefect, thank you. mwahhh...

3.15.2008

Tapos na naman ang araw... at wala na naman akong nagawang matino sa buhay...

Buong araw walang ginawa kung hindi maglibot-libot sa school at sa centro. Nakakabagot ang buhay. Ang tagal pa kasi ng graduation namin, after Holy Week pa. Yung ibang schools dito sa amin ngayon ang graduation. Hindi na tuloy ako excited na mag-march sa graduation. Boring......

Ayaw ko pa namang humanap ng trabaho dahil gusto ko munang ieenjoy ang mga araw na walang inaalala na mga projects, exam, paperworks. Sa wakas tapos na ako sa mga pasakit na yan. Pero, ngayon naman ang poproblemahin ay ang paghahanap ng trabaho. Hindi ko alam kung saan ako mag-aaplay at hindi ko rin alam kung saan may mga bakante. Kasali na ako sa mga unemployed na bagong graduate.

College life... hay... Marami rin akong hindi malilimutan sa apat na taon..

1. Mga subjects na kala mo A ka na, tapos babagsak ka pala sa midterm..huhu
2. Pagtulog sa library
3. Mga project na hindi tinulugan at nadaan sa cramming
4. SRA extension class
5. Teachers na mas interesting pa kaysa sa subject
6. Guard na super strict sa pagtingin sa ID
7. Folk dance sa PE class na hindi ko alam kung paano ako nakapasa
8. Classmates ko sa HP at SPED..
9. Xavier dorm
10. Mahabang pila tuwing enrollment

3.13.2008

After sleepless nights, breakfasts skipped,tv series unwatched and laundries unwashed, I have finally completed all my graduation requirements on Wednesday. I reached the end of four years of labor and joys.

Upon completing the clearance, I surrendered my ID. I felt that I am no longer a student. The reality finally struck my being and I felt overly sad. I am soon leaving tha things that became part of my four years in college, the teachers I love and hate, the friends I learned to cherish and lost along the way, the dorm and my dorm-mates. I am leaving the portals of the institution that sheltered me and developed me to be MAGIS. It is time to let go.

Graduation is only two weeks away. The pompous ceremony is the culmination of my college years, a day of great exaltation and clebration but the day after is the beginning of facing what life really is. A life beyond the comfort zone of the classroom and dormitory. I am now making my own life, my destiny. The learnings I gained in college are my armors in the world of employment. My life will not be the As but how to prove that I am a worthy person.

Hay...ang drama...