12:50 na ang nasa relo ng computer pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako tapos ng aking ineencode para sa isang requirement na ipapasa bukas (hindi ko pa ito naeedit). Pano naman kung saan-saang site na ako napadpad, mga blogs at kung anu-ano pa. Sira-sira pa ang headphone na ginagamit ko, one side lang ang gumagana. Parang mabibingi na yata ako. Kung makakapagreklamo lang ang tenga, naikulong na ako sa kasong abuse of sense organ, hehehe.
Kahit pala mga bata ay usp-usapan ang Patayin sa Sindak si Barbara at takot na takot sila dito lalo na dun sa manikang si Chelsea.
Habang nagsha-shadow teach sa isang klase, kinausap ko si Edmond, isang preschooler.
Ako: Bad ba yung ginawa niya?
Edmond: Oo. Kukunin yan ni Chelsea.
Ako: Sino si Chelsea?
Edmond: Yung doll sa PSSSB.
Ako: Ah... Kukunin yan ni Chelsea...
Edmond: Kami nga may manika sa bahay, pero itatapon na namin yun kasi baka maging Chelsea yun.
Ako: OO, pag hindi pa siya nagbehave, kukunin yan ni Chelsea, ano?
Edmond: Oo..
Ako: Sige na makinig kana kay Madam...
Si Chelsea na kaya ang makakasira sa image ni Barbie? hehe
1.24.2008
1.13.2008
tatanda ka rin....
Nakuha ko itong message na to sa friendster, padala ng kaklase kong si Kristine. Sobrang nakakatouch to... minsan kasi binabalewale na natin ang mga kamag-anak nating matatanda gaya ng ating mga magulang. Ito'y isang paalala na mahalin natin ang ating mga magulang gaya ng ginawa nila sa atin nung tayo ay bata pa.
Mahal kong anak,
Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at
pagpasensiyahan.
Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng
pinggan
o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana
akong
kagagalitan.
Maramdamin ang isang matanda. Nagse-self-pity ako sa
tuwing
sinisigawan mo ako.
Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan
ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan
ng "binge!" paki-ulit nalang ang sinabi mo o pakisulat
nalang.
Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.
Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana
akong
tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo
noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.
Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay
nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang
plaka.
Basta pakinggan mo nalang ako. Huwag mo sana akong
Pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan.
Natatandaan mo anak noong bata ka pa?
kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo 'yong
sasabihin,
maghapon kang mangungulit hangga't hindi mo nakukuha
ang gusto
mo.
Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.
Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy
matanda,
amoy lupa.
Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang
katawan ko.
Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana
akong
pandirihan.
Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinagtyagaan kitang
habulin
Sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.
Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako'y masungit,
Dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo,
maiintindihan
mo rin.
Kapag may konti kang panahon, magkwentuhan naman tayo,
kahit
sandali lang.
Inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang
kausap.
Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong
malaman mo na
sabik na sabik
Na akong makakwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka
interesado
sa mga kwento ko.
Natatandaan mo anak, noong bata ka pa?
Pinagtyagaan kong pakinggan at intindihin
ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy
bear.
At kapag dumating ang sandali na ako'y magkakasakit
at maratay sa banig ng karamdaman,
huwag mo sana akong pagsawaang alagaan.
Pagpasensyahan mo na sana kung ako man ay maihi o
madumi sa
higaan,
Pagtyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali
ng aking
buhay.
Tutal hindi na naman ako magtatagal.
Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan
mo sana
ang aking kamay
At bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang
kamatayan.
At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos
na
lumikha,
ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana ...
Dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama't ina...
Written by Rev. Fr. Ariel F. Robles
CWL Spiritual Director
St. Augustine Parish
Baliuag, Bulacan

1.08.2008
series of unfortunate events
Nag-bagong taon na lang ay hindi ko man lang ako nakagawa ng post sa aking munting blog. Wala na akong panahon para umupo ng matagal sa harap ng computer. Pagkagaling sa practicum diretso tutor na ako at babalik na kaagad sa dorm para hindi mahuli sa curfew pag-alas otso. Talagang stressing ang buhay ngayon, feeling ko nga konti na lang ay magkakasakit na ako, kawawang bata talaga..
Nag-umpisa ang 2008 ng maayos...hanggang may mga pangyayari na hindi inaasahan. Para yatang hindi ko naitaboy ang masasama at malas na espiritu noong New Year (hindi kasi ako nagpapaputok, hehehe).
Una-Uuwi o hindi?
Muntikan pa akong maistranded sa Manila dahil wala akong pamasahe. Naubos na kasi ang pera ng mga kapatid ko, yung isa nakain pa yung ATM ng kapatid ko kaya walang mapagkunan ng pera. sabi ko nga, pag hindi ako nakauwi ay manonood muna ako ng BIg NIght ng PBB para sulit naman ang stay ko,hehe. Since maaga ang pasukan, January 3, ay hindi ako kaagad nakapasok. Sa sumunod na araw na ako pumasok, kaya one-day absent na naman ako. Dahil sa may pasok kahit Saturday ay sinamantala ko na para madagdagan ang number of hours ko sa practicum.
Second-Sunog!!!!
Hindi ito nasunog na bahay, kundi pantalon! Ang nag-iisa kong black pants na ginagamit ko sa practicum. Shit talaga! Katangahan ko talaga... Mabuti na lang at nakahiram ako kaagad (Tnx Richard!).
Ikatlo-Pandemonium
At ang pinakamalubha sa lahat ng kamalasan ay ang aking class demo ngayong araw. Nagpuyat ako para gumawa ng mga visual aids para mapaghandaan ang demo. Kala ko magiging maayos na ang lahat dahil prepared na ang mga kailangan. Handa na pati ang script at mga chuvaness. Ang gugulo pala ng mga kindergaten, ang hirap i-manage dahil sobrang gugulo at iingay nilang lahat. Mapapaos na ako kapapahinto sa mga pupils, may mga nagdadaldalan, nagsusuntukan at mga estudyanteng hindi mapakali. Ngayon ko na-realize ang meaning ng "classroom management". Kaya ayun, mababa ang rating ko at kailangan pang umulit dahil mag-oobserve na ang head teacher.
Pakatapos ng demo, para akong na-trauma. Natutulala na lang ako kapag naiisip ko ang disaster na yun. Naitanong ko nga sa sarili ko na,
Sana fortunate events naman ang sumunod....hehehe

"Am I meant to be teacher?"kasi parang hindi ko kaya. Siguro dahil first time ko humawak ng preschool. Binibiro ko nga ang mga classmates ko na tatapusin ko lang ang degree tapos hindi ako magte-teacher paka-graduate. Ang hirap pala maging teacher!
Sana fortunate events naman ang sumunod....hehehe
Subscribe to:
Posts (Atom)