Tagal na ng panahon na di ako nakapag-blog. Last May pa pala last post ko....huli ko pang post eh nasa unemployed mode pa ako pero syempre hindi na ngayon, kahit naman papano ay may nakuha na akong trabaho.
I am currently teaching in a small school here in Makati and I handle all elementary levels, from Grade 1 to Grade 6 kaya naman kilala ko halos lahat ng estudyante sa school. Ngayon ko naintindihan ang aking mga teacher noong nag-aaral pa ako. Alam ko na yong hirap at syempre sarap ng pagtuturo. Araw-araw kang magagalit, maiinis at matutuwa. May mga estudyante kang halos araw-araw mong napapagalitan, nasisigawan pero meron rin namang mga estudyanteng gaganahan kang magturo dahil ang dadali matuto.
Noong first day ko sa Grade One, hindi ko alam kung papano ko sila kakausapin. Makukulit talaga yung mga bata, tatakbo kung saan-saan, iswi-switch-off yung ilaw at electric fan. Hay... Meron pa ngang umiiyak dahil ang palusot ay natatakot sa akin kasi daw hindi ako nagsmi-smile sa kanya (kung alam nya lang kung bakit...dahil nahihirapan ako sa kanila) pero nang tumagal palusot nya lamang pala yon kasi hindi nakakaget-over sa kanyang preschool life.....
Pero ngayon, masaya na ako sa pagtuturo sa kanila, pagkatapos ng lesson, playing time na kaagad....hindi ko pa nga nabibigay ang kanilang prizes (saka na pag sweldo...hehehehe)....
next post naman grade two....
8.05.2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


0 comments:
Post a Comment