
KUNG HEI FAT CHOI!!!
Year of the Rat na, syempre pag Chinese New Year uso na naman ang mga feng shui, lucky charms, crystals at kung anu-anong pampaswerte sa buhay, bahay, lovelife, trabaho. Sought-after na naman ang mga feng shui experts at ang kanilang mga predictions. Mga prediksyon na very general at talaga namang mangyayari kahit hindi hulaan. Nariyan na dyan na may mamatay, mabubuntis, babagyo, lilindol, babagsak ang eroplano, bababa at tatataas ang ekonomiya at kung anu-ano pa. Syempre, dahil Pilipino, tayo ay naniniwala sa mga ganyan. At pag may nangyari sa mga hula, ay bilib na bilib naman tayo kahit si Madam Auring pa yan...Hay naku...


0 comments:
Post a Comment