Sabi ng ilang kritiko ay namamatay na daw ang industriya ng pelikulang Pilipino sa makabagong panahon dahil sa kakaunting pelikulang naipapalabas kada taon kumpara noong mga nakaraang dekada. Gone are the days of Lino Brocka, Bernal and other notable directors na nagbigay sa atin ng mga pelikulang de-kalibre. Ngayon halos love stories o kaya naman horror ang mga naipapalabas sa sinehan. Though, masasabing may mga blockbusters na pelikula pero mas tinatangkilik pa rin ang mga pelikulang banyaga.
Then came the indie generation of directors. Mga independent films ang karamihang naipapalabas ngayon. Unlike sa ibang pelikula ang mga indie fims ay hindi magastos at hindi nangangailangan ng mga bigating artista para makabuo ng isang mahusay na palabas. Kahit mga ordinaryong tao ay pwedeng maging cast sa mga indie films. Iba't ibang tema ang naipe-present sa mga ganitong pelikula at nagpapakita ng mga aspeto ng buhay: culture, education, love, poverty atbp. Ang iba pang independent films ay mga award-winning dito at maging sa ibang bansa. Nakikipag-compete pa sa mga international film festivals.
Siguro nga naghihingalo na ang Filipino film industry pero ang mga independent films na patuloy na nagagawa ang nagpapatunay na may pag-asa pa rin sa ganitong industriya. Kailangan lang bigyan pa ng avenue at suporta ang mga independent producers at directors na maipakita o ma-showcase ang kanilang talento.
Narito ang mga indie films na gusto kong mapanood sana, eh kaso limited lang naman ang nai-cocomerialized o naibebenta in vcd. Karamihan kasi ay sa mga sinehan lang sa Metro Manila ang showing at hindi nadadala sa mga probinsya.
Eto lang yung mga nakuha kong trailer pero marami pa sana... Thank you sa youtube...
Manoro (The Teacher)
Foster Child
Pisay
Masahista
Haw-ang
Ligaw-Lihim
Donsol
Kadin
11.29.2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


0 comments:
Post a Comment