11.04.2007

bagong pahina...

Matapos ang mahabang sembreak ay simula na naman ng bagong semestre. Last semester ko na ngayon sa college ngunit hindi ito magiging madali dahil ito na ang Practicum ko. Siguro baka abutin pa ng December ang simula ng Practicum dahil mag-uusap pa tungkol sa kung saan at wala pang uniform na naipe-present.

Mga limang araw rin akong namalagi sa Sagñay, sa bahay nila Kuya Francis. Doon rin ako nag-Araw ng mga Patay. Marami rin akong nagawa sa Sagñay, nag-swimming kami sa Nato at pumunta sa sementeryo at sa Saint Andrew Academy. First time kong pumunta sa Sagñay at hindi ko malilimutan ang mga araw na nadako ako sa bayang iyon. Kahit na masasabing underdeveloped pa ang Sagñay at hindi mayaman tulad ng ibang munisipalidad sa Camarines Sur pero ang tunay na yaman nito ay ang mga tao mismo. Doon ko napatunayan na talagang hospitable ang mga Pilipino. Sobrang ang babait ng mga tao kahit na nga hindi mo sila kaanu-ano.

Syempre balik na naman sa dorm. Mayroong bagong development, nagswitch lahat ng bed area at dinaan ito sa raffle. Na-windang ang mga dormers sa nangyari. Kanya-kanyang hakot na ng mga gamit at pati foam ay sinama pa! Pero mabuti na rin dahil para maiba naman ang environment at sabi nga ng prefect namin ay hindi maging "static". Tama rin naman...

Simula bukas marami ng magbabago, bagong semestre, bagong bed at bunkmate, simula ng practicum. Bagong pahina na naman sa buhay ko.

1 comments:

lion cu said...

ito ay comment. eto ang pangalawang comment sa blogspot na 'to.. wala naman talaga akong sasabihin na matino kundi na nagkumento ako sa blog ni G. Krephel Navales.
Hindi maikakaila na ang sulating ito ay isang bagong pahina para sa may akda. ang pagdagdag ng mga kumento ay palatandaan lamang na ang Wandering Existence ng nasabing manunulat ay napapansin o di kaya ay napagtutuonan ng atensyon.. marahil, wala na akong maaaring maidagdag pa sa aking mga nabanggit.
nais ko lamang iparating ang aking pagsuporta sa ibayong pagkakakilala sa blog na ito- na ang kasanayan at husay sa pagsusulat na nangagnailangan hindi lamang ng tiyaga ngunit matinding tapang o tinatawag sa ingles na courage ay ipinamalas niya.
mabuhay ang ating bayan. magandang araw, tanghali, at gabi!!!