10.21.2007

Matagal ko nang gustong malaman meaning ng name ko. Kahit nasa grade school pa lang ako ay malimit itinanong kung bakit krephel daw pangalan ko. Eh wala naman akong maisagot kasi hindi ko talaga alam. Kahit origin nga eh di pa sure ni mama. Sabi niya sa pocketbook na binabasa niya noon pero ang malimit niyang sagot eh dapat daw ang "phel" sa hulihan ay "phil" dahil "philippines" daw ito kinuha. Ang corny, hehehe.

Ang isa sa pinakaayaw kong part ng start of klase pwera sa theme writing na "who am i?" ay ang pag-iintroduce ng panglan kasi tatanungin na naman ako siguro at kahit pronunciation ay uulitin ko pa. Minsan mga kaklase ko na ang nagsasabi sa teacher kung pano ito ipopronounce.

Ewan ko nga ah sa pagkarami-rami ng pangalan eh bakit krephel pa pwede namang "john", "francis" atbp. Unique talaga! Hay, ewan... Minsan nga sini-search ko ito sa internet eh wala pa rin akong makitang exact meaning, kahit language origin ay wala.


According sa http://www.bostonuk.com/name_meanings.php eh ito ang meaning ng pangalan ko...

krephel

You are idealistic and have a keen intellect and imagination. Philosophical with a gentle, romantic and giving nature your desire is to help others and benefit mankind. You attract many friends and are loved by all for your nurturing and understanding ways. Once a project has been started your determination and focus always ensures that it is completed. You exude peace and contentment and bring this into your environment and associations.

Tama rin naman, hehehe.

0 comments: