9.02.2007


Unang araw ngayon ng September. Ber months na, ibig sabihin simula na ng christmas season. September pa lang nagsasabit na ng Christmas lights at parol sa mga bahay nila. Maririnig na naman ang mga walang kamatayang Christmas songs sa radyo at mga malls. Onli in da Pilipins....

Dito sa Naga City, pag September na, it means Peñafrancia Fiesta. Sa Sept. 7 magsisimula sa pamamagitan ng Traslacion kung saan from Basilica Minore ay itatransfer ang image ni Ina sa Naga Cathedral at magtatapos sa Fluvial Procession pag Sunday. Kanina habang naglalakad ako sa centro, may mga nakasabit nang banderitas. Siguro ngayong week na lahat lalagyan ng banderitas ang mga kalye sa Naga. Panahon naman ng mga parades, civic at military. Meron ding mga concerts. Minsan nga naiisip ko na hindi na ito isang religious festival kasi masyado nang commercialized. Ginagawa nang negosyo ang dapat sana ay religious celebration. Pero siguro parte na ng isang fiesta ang mga ganitong mga kasiyahan.

Kasabay naman ng fiesta ang Intramurals sa Ateneo de Naga. Pero may mga araw pang may pasok. Kasi after ng Intramurals eh two weeks Finals na naman. Ang dami pang araw na walang pasok dahil sa mga holidays ni Gloria. Apektado ang mga MW classes dahil LUnes palagi ang holiday. Minsan nga nakakabagot ng pumasok dahil sa mga interruptions.

Nang nag-check ako ng greenpinoy.com, di ko akalaing isasama ako sa mga links ni greenpinoy. Hindi talaga ako makapaniwala. Kasi naman kung ikukumpara sa ibang blogs na naroon, eh ordinaryo lang tong blog na to. Ang background super ordinaryo. Di ko kasi alam ayusin ang blog na to. Di ko alam pasikut-sikot sa pag-ayos nito. Pero salamat greenpinoy! Mwahhh!

Hay naku, matapos kong magawa ng mga projects at take-home exam, eh meron naman mga kapalit. Prefinals na nga. Magmamake-up class pa kami sa isa naming subject every 4:30-6:00 pm para makabawi sa mga araw na walang pasok. Samahan pa ng mga papers, integration at reflection papers. Parang hindi pa nga ako nakakabawi sa tulog, bagsak pa ang katawan ko sa puyat kasi nung Byernes eh mga 5:00 am na ako nakatulog katatapos lang ng take-home exam ko. Pero salamat na rin at nabawasan na ang mga pasanin sa buhay.

tnx ulit greenpinoy!!!

1 comments:

Lord Kobol said...

Good blog, like kirai's one!

Besos from Spain :)