Naitanong ko sa sarili ko na paano kaya kung isang araw ay mang-away ako ng lahat ng tao.Yung parang demonyo ka, hehehe. Kahit walang ginagawa, aawayin mo lang at sasagarin mo ang pasensya. Yung parang wala kang pakialam kung masasaktan mo sila at isumpa sa impyerno. Naiisip ko lang ang mga posibleng eksena, eh natatawa na agad ako. Minsan pag wala akong magawa eh iniisip ko ang mga bagay na to. Ewan ko nga ba kung bakit ito pumapasok sa kokote ko, hahahaha.
Wednesday na pero as usual tambak pa rin ang mga requirements. Kanina nag prefinals kami sa theology. Lintik! tama na sana ang answers ko kaya lang pinalitan ko pa. Nasobrahan yata ako sa review, tuloy nalito ako. Minsan tama na mag-trust sa first instinct. 50 items yung test, habang nagrereview, chinekan ko na ang mga siguradong tama sa tingin ko. Nilagyan ko na nga ng tentative scores, hehehe. Parang sigurado na agad. Natawa nga si sir pagpass ko ng paper ng makita niya na may score na, hehehe.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


0 comments:
Post a Comment