9.20.2007

It's been a while since my last post in this blog. The last two weeks were one of the busiest. Patung-patong ang mga requirements at kasabay pa ang Peñafrancia fiesta.

Noong nakalipas na fiesta, sobrang tao ang dumating sa bahay: pinsan, kapitbahay, katrabaho ni mama, kaklase, dormmate, at kung sinu-sino pa. Muntikan na ngang may pumasok na tindera ng mani sa bahay!

*Pumasok sa gate ang tindera ng mani.

Tindera ng mani: Lilingon-lingon sa bintana... Garo ayos magtinda igdi ta dakol ang tao (Mukhang ayos dito magtinda kasi maraming tao...)

Akmang bubuksan ang doorknob...

Ako: Ano po?

Tindera ng mani: Matinda akong mani.

Ako: Bako man po ning plaza! (Hindi naman po ito plaza!)

Hay, galing naman ng napiling pagtindahan ng tindera at bahay pa namin ang napili (hehehe).


Prefinals ang bumalaga sa akin pagdating ng dorm. Ni wala pang kapirma-pirma ang permit ko. Mabuti na lang at na-move ang schedule ng ilang exams to next week kaya sobrang luwang ng oras ko para matulog nang matulog. Ang saya kasi hindi na hectic ang class schedule ko. sa MW schedule ko, isang subject na lang, 1:30-3:00 lang at sa TTh, two subjects na lang, 6:00-9:00pm na lang; sobrang yehey talaga!

0 comments: