
Ang Batibot
kwentuhan. barkada. tuwa. luha. mga alaala.

palutang-lutang sa mundong kawalan
Ang ulan niya ng sa humigit kumulang na anim na oras ay katumbas daw ng isang buwan na pag-ulan ayon sa PAG-ASA. Si Ondoy ang laman ng balita, facebook at twitter ngayong araw. Halos lahat ay hindi handa na ganito ang mangyayari since Signal No. 1 lang naman ang Metro Manila. Pero dahil sa walang tigil na ulan, binaha ang Metro Manila, na-istranded ang marami at lubog sa tubig ang mga lugar na dati naman ay hindi binabaha.
Ilan lamang ang mga larawang ito sa patunay sa hagupit ni ONDOY...
Ayala Avenue Underpass
Eastwood
Katipunan Avenue
At si Christine Reyes na inabot nasa bubong na ng kanilang bahay.


Shocking ang naging deklarasyon ni Mar Roxas na umurong sa pagka-presidente. Instead of being the standard bearer of LP, he just chose to support Noynoy's bid. A big turnaround in the political landscape as of this present time.
Possible reasons why he backed out:
a. Slipping popularity in surveys
Kahit sandamakmak pa ang commercials niya sa tv ay hindi pa rin ito nakatulong para umangat siya sa patalastas. As a first time voter, those TVCs are disgusting, maybe he should've hired a better PR manager. Di appealing saka nakakatawa, parang pilit ang pakitang tao. Saka yung padyak? Much better was Erap's jeep. Hindi porket maraming komersyal, panalo na. Learn from Prospero Pichay's experience.
b. Increasing popularity of Noynoy
After the death of Cory, the attention was shifted to the Aquinos. Noynoy was in the spotlight as being the oldest in the family and the heir of the his parent's magic aside from Kris. The supporters of his parents pledged to support his candidacy. His clean image and a positive alternative as an opposition leader are quite an advantage. Ika nga, strike while the iron is hot. Maybe this is his partymates' motto this time. This is his time to shine.
c. Image booster?
Because of this move, Mar Roxas was widely praised by observers for his statemanship and humility. Gusto ng mga Pilipino ang isang pulitikong nagsasakripisyo para sa kapakanan ng bayan. na siya ngang ipinakita ni Mar Roxas. Kung tatakbo man siyang vice-president, mas malaki ang chance for him to win the position. Mas mareretain sa isip ng tao yung ginawa niyang sacrifice ika nga. Nice move, Mar Roxas.
Abangan ang susunod na kabanata.......

Hay, parang hindi yata successfull ang signature campaign ko sa blog. Mali ang itsura nung signature. Bobo talaga ako sa mga ganitong bagay.

Muli na naman akong nagkainteres na ipagpatuloy ang pagba-blog. Hindi na ako nakuntento sa facebook, friendster, ym at twitter. Ewan ko ba.... Para na tuloy akong nabubuhay sa online world. Masyado na tlagang virtual ang mundo ngayon.
Nainggit ako sa mga blog na may mga signature kaya sinubukan kong maglagay na rin. Baka nga huli na ako sa uso. Hahahaha... :) Hirap na hirap nga ako sa paglagay kasi hindi ko na man alam ang mga HTML na mga bagay, parang programming sa computer. Sana mag-appear siya sa post na to. Kung hindi man, magpapaturo ako sa iba.
